Sunday, September 27, 2015

23 #Hugot lessons I learned from Maranat climb

Last long weekend, I was tagged along by Gillian in a spontaneous overnight hike at Mt. Maranat in Bulacan. I’ve been longing to climb mountains again (but plans get postponed because of the weather), and with his invitation (and knowing how “beast mode” he is) I didn’t say no. Also, this is our first climb together, with some of our workmates.

As we climb the mountain, thoughts have been tickling my mind and there is no better way to share them but this blog. So, here are the 23 things I learned from Maranat Climb.

1. Bago ka umakyat, make sure you’re ready. Dahil mahirap magdalawang-isip kapag nasa kalagitnaan ka na.

2. Siguraduhing wala kang nakalimutan bago ka umakyat. Hindi magandang kapag nasa taas ka na, saka mo mari-realize na may kulang pala, dahil hindi laging mayroong pupuno sa kakulangan mo.  

3. Alalahaning maigi kung ano lang ang dapat dalhin. ‘Wag sobra, masyadong mabigat; ‘wag kulang, masyadong magaan. Importanteng ang dala mo ay sapat lang.

4. ‘Wag kang masyadong magmagaling dahil hindi mo alam ang lahat ng bagay. Mag-hire ng guide.

5. Pero kung trip mong magmagaling at ayaw mong mag-hire ng guide, edi go! Kapag naligaw ka, ito ang tandaan mo: Wala kang ibang dapat sisihin kundi ang sarili mo. Akala mo kaya mo nang mag-isa? That’s the price you pay for thinking you know it all.


7. There is a trail for a reason. Kahit dito man lang, matuto kang sumunod.

8. Be nice to people you meet along the way. Nice lang ha, ‘wag malandi. #DyanKaMagaling

9. Pahinga ang solusyon sa pagod, hindi pagsuko. Kung pakiramdam mo napapagod ka dahil sa dami ng ‘ups and downs,’ pwede namang magpahinga, hindi ‘yung susuko ka agad. ‘Di ganun ‘yun, bro.

10. Kung gusto mong magpahinga, magsabi ka. Para hindi ka iwanan.

11. Madaming assault, pero kaya.

12. Gusto mong makarating ng campsite? Kailangang mag-zipline. Matakot ka na sa lahat, wag lang sa heights.


14. Lahat ng magagandang bagay (kagaya ng campsite at summit), dinadaan sa tiyaga.


16. Pero kung madapa ka man at masaktan, tumayo ka agad. Tuloy lang ang lakad.

17. Magkakasugat ka, pero maghihilom din yan, naturally. Ni hindi mo mamamalayang nasugatan ka pala.

18. Invest on the right things. Tent, bag, shoes, ganyan. Hindi yung puro emosyon ini-invest mo, sa mali pang tao.

19. Leave no trace. Applies to all aspects of your madramang life.

20. Kahit gaano mo kagustong mag-stay sa tuktok, dadating talaga yung oras na kailangan mong bumaba to face the reality.

21. Kapag pababa ka na ng bundok, mas nagiging maingat ka kasi naranasan mo nang matumba, madapa, at masugatan. Ayaw mo nang maulit yun. Unless super tanga mo edi g lang.

22. Hindi ka pagsasamantalahan sa “Mini Stop” store sa Maranat. Biruin mo, sa bundok ka pa makakakita ng hindi mananamantala sa’yo.


No comments:

Post a Comment