Friday, March 25, 2011

Grades.

GRADES.


Natapos na ang ikalawang semestre sa taong pampanuruang 2010-2011. Matapos ang lahat ng paghihirap sa pagkumpleto ng mga final requirements para sa ikagaganda ng aming mga marka ay malapit nang magsimula ang aming buhay sa ikalawang taon sa Pamantasan, ngunit hindi ito ang sentro ng aking tala para sa ngayon. 


Kanina lamang ay nakumpleto na ang aking mga class cards para sa ikalawang semestre. Magkahalong tuwa, inis at kaunting frustration ang aking naramdaman sa dahilang alam ko.



Thursday, March 3, 2011

Ang Tunay na Dahilan sa Likod ng 'Invisible' na Pebrero

"Busy kasi ako."


Napaka-showbiz pero iyan ang aking laging tugon kapag ako ay tinatanong kung bakit tila nag-hibernate ako sa buwan ng Pebrero. Iyan ang naging official statement ko sa lahat ng taong nagtatanong kung bakit walang bago, kung bakit parang ang tahimik ko.

Pebrero ang buwan ng pagmamahalan. Ito ang mga panahong ang bawat magkakapareha ay nagpapalitan ng matatamis na salita (na tila pulot sa labi at asukal sa dila) at nagpapakita ng pag-ibig sa isa't-isa. Ito ang buwan kung saan bawal ang taong malungkot. Bawal ang taong killjoy. Bawal ang mainggit.

Hindi ko sakit na mainggit sa mga taong may pagmamahal. Kahit kailan, hindi naman naging requirement sa akin na magkaroon ng kapareha sa buhay. I wasn't destined to be loved by anyone. Nakakalungkot isipin na ngayon, ngayong ako ay nasa kolehiyo ay tila naging pangangailangan ko ito. It is only now when I realized it's all I ever wanted and needed to fill the half side of my heart.