Thursday, March 3, 2011

Ang Tunay na Dahilan sa Likod ng 'Invisible' na Pebrero

"Busy kasi ako."


Napaka-showbiz pero iyan ang aking laging tugon kapag ako ay tinatanong kung bakit tila nag-hibernate ako sa buwan ng Pebrero. Iyan ang naging official statement ko sa lahat ng taong nagtatanong kung bakit walang bago, kung bakit parang ang tahimik ko.

Pebrero ang buwan ng pagmamahalan. Ito ang mga panahong ang bawat magkakapareha ay nagpapalitan ng matatamis na salita (na tila pulot sa labi at asukal sa dila) at nagpapakita ng pag-ibig sa isa't-isa. Ito ang buwan kung saan bawal ang taong malungkot. Bawal ang taong killjoy. Bawal ang mainggit.

Hindi ko sakit na mainggit sa mga taong may pagmamahal. Kahit kailan, hindi naman naging requirement sa akin na magkaroon ng kapareha sa buhay. I wasn't destined to be loved by anyone. Nakakalungkot isipin na ngayon, ngayong ako ay nasa kolehiyo ay tila naging pangangailangan ko ito. It is only now when I realized it's all I ever wanted and needed to fill the half side of my heart.






Alam kong iniisip mo, ang arte ko, hindi naman bagay. Wag ka mag-alala, inisip ko na rin yan. Pero nasabi ko, hindi ako umaarte. I am not a good actor. I am realistic and will never be romanticist. 


So, ano nga bang ginawa ko para mapalipas ang buong Pebrero?

Nanood ako ng maraming pelikula. Sa tingin ko kasi, maiiwasan ko yung mga bagay na makakasakit sa akin kung eenjoyin ko ang buhay. Una sa lahat, deserving akong maging masaya. Pangalawa, kailangan ko ng saya. Nagbasa ako ng mga libro. Nag-aral ako ng kaunti. Salamat at sumabay ang tambak na school requirements sa kalagitnaan ng buwan. Ayan. Matatapos na ang buwan. Masaya na ulit. Wala ng bitterness. :)

Sana dumating ang panahong hindi ko na kinatatakutan ang Pebrero dahil takot akong masaktan o maging mag-isa. If I only have the courage I once had, I won't be as silly as I became this year: being afraid of whatever because it's simply February. Sana dumating yung panahong kaya kong harapin ang Pebrero ng taas-noo.


Now, I rest my case.




Hello, Marso. :) <3

1 comment:

  1. "Hindi ko sakit na mainggit sa mga taong may pagmamahal. Kahit kailan, hindi naman naging requirement sa akin na magkaroon ng kapareha sa buhay. I wasn't destined to be loved by anyone. Nakakalungkot isipin na ngayon, ngayong ako ay nasa kolehiyo ay tila naging pangangailangan ko ito. It is only now when I realized it's all I ever wanted and needed to fill the half side of my heart."





    Hoy BF! You already forget me!!!

    ReplyDelete