Friday, March 25, 2011

Grades.

GRADES.


Natapos na ang ikalawang semestre sa taong pampanuruang 2010-2011. Matapos ang lahat ng paghihirap sa pagkumpleto ng mga final requirements para sa ikagaganda ng aming mga marka ay malapit nang magsimula ang aming buhay sa ikalawang taon sa Pamantasan, ngunit hindi ito ang sentro ng aking tala para sa ngayon. 


Kanina lamang ay nakumpleto na ang aking mga class cards para sa ikalawang semestre. Magkahalong tuwa, inis at kaunting frustration ang aking naramdaman sa dahilang alam ko.







Hindi ko inasahan ang aking marka sa asignaturang malapit sa puso ko: Ang English. Naniniwala ako sa kakayahan ko bilang isang manunulat at public speaker. Masasabi ko ring maganda ang aking background sa asignaturang ito, lalo pa't hinasa kami noong nasa mataas na paaralan pa lamang kung paano gumawa ng isang research paper o kung paano magsulat ng narrative, expository, descriptive, argumentative o persuasive na komposisyon. Sinanay rin kaming i-assert ang kung ano ang tama. Ang nakalulungkot ay nawala ang trainings na ito sa isang iglap dahil sa takot na matandaan ng guro bilang 'mayabang'.


May mga asignatura ring labis ang aking pagkagulat sa aking marka. Mga markang masasabi kong far from what I expected dahil alam kong ibinuhos ko ang lahat ng aking efforts para makuha ang aim ko.


Ganoon akong tao. Kapag gusto ko ang isang bagay, paghihirapan kong kunin ito. Ibubuhos ko lahat ng panahon, utak at pisikal na lakas para maibigay ng higit pa ang hinihingi sa akin. Ayoko ng gawang mediocre dahil katumbas nito ang isang basura na hindi nasegregate. 


Siguro, isa rin sa factor kung bakit ako nadepress o nasaktan ay dahil na rin sa mataas kong expectations. Naniniwala akong mayroon akong kakayanan. Naniniwala akong ibinigay ko ang lahat, sobra pa nga kung minsan kaya naniwala na rin akong makukuha ko ang bagay na nasa isip ko-- ngunit mali pala.


May mga bagay rin akong kinaiinisan. Paano ba naman kasi, may mga nakakuha ng markang hindi nila deserve. Given the fact that you are close with the professor doesn't mean you should get a high grade. I believe, as others do so, that grades are based on performance and not in any personal intents. It's just so disappointing that because of that, you get a grade you don't deserve. Please, don't give a damn.


Hindi lang naman din personal ang dahilan kung bakit nakakuha ang iba ng markang di nila deserve. Alam natin sa mga sarili natin kung para sa atin ba ang marka na nakuha natin. 


ITO ANG PUNTO NG AKING TALA. 


Hindi dahil nakakuha ka ng mataas na marka ay dapat kang magmayabang. Hindi dahil mataas ka ay sisigaw ka sa tuwa at magmamalaki sa kahit anong paraan. Hindi mo ito dapat gawin lalo na kung alam mong hindi ka karapat-dapat sa markang naibigay sayo. 


Marahil ay karapat-dapat ka sa iyong marka, pero hindi mo yan nakuha ng mag-isa.


Pinaghirapan mo yan, pero naghirap rin ang iba. Patas ang mundo pagdating sa paghihirap sa pagkuha ng marka.


Kung alam mong hindi mo deserve ang marka mo, tumahimik ka na lang. Less talk, less mistakes. 


---


Inaamin kong may sama ako ng loob sa mga mababang markang nakuha ko. Pero na-realize kong nakuha ko ito ng may dahilan. Nakuha ko ito dahil ito yung aking pinaghirapan. I deserve my grades well especially those that I knew I exerted so much effort.


Nagpapasalamat rin ako dahil pagkatapos ng sem na ito ay nakilala ko ang mga taong may tiwala sa akin. Ang mga salitang lumabas sa kanilang mga labi ay hindi kayang tumbasan ng kahit ilang libong uno sa class cards. Dahil rin dito, nalaman ko na dapat ko pang galinga sapagkat maraming tao ang nag-eexpect, nagtitiwala at nananalig na kaya ko ito, na kaya kong magsurvive despite the fact that they gave me a quite unexpected grade.


Ngayon, masasabi kong 'grades aren't really the reflection of who you are as a whole, rather than a reflection of who you are in a particular subject matter.' 


Hindi kayang i-define ng 1.25 o ng 2.25 ang aking pagkatao. Kahit pa sumadsad sa Tres ang GWA ko ay wala akong pakialam, sapagkat alam ko sa aking sarili ang abot ng aking kakayanan, at hindi ito nakakahon sa mga marka lamang. 


Sa mga propesor na labis ang pagtitiwala sa aking kakayahan, salamat po. Hindi po ako galit sa marka ko sapagkat alam kong mayroong fairness at hustisya ang pagbibigay niyo nito. Muli, salamat po.


Sa mga kaibigan na naniniwala sa akin, salamat. Hindi ko kayo makakalimutan.




Go Easy, Wag GC!

1 comment: