Showing posts with label world vision. Show all posts
Showing posts with label world vision. Show all posts

Sunday, December 30, 2012

Doseng Pasasalamat

Gaya ng lagi kong sinasabi, eksperimental ang 2012 para sa akin. Ito ang taon kung kailan kumawala ako sa personal kong kahon-- isang pagrerebelde para sa ikauunlad ng aking sarili.

Maraming taong dumating sa taong ito: Ang iba ay literal na dumaan, ang iba ay tumambay, ngunit marami ang nagtagal. Maraming sumalo sa eksperimento. Marami rin ang nagpasalo. Kaya't ngayon ay pasasalamatan ko ang ilang mga tao na labis ang naiambag sa paglago ko para sa taong ito. 

 Sobrang salamat, Camille, dahil nagkaroon ako ng kaibigan na kagaya mo. Sa'yo ko natutunan kung paano maging rational at prudent. Ikaw yung nagturo sa akin ng maturity, at ikaw ang nagmulat sa akin sa totoong mundo. Salamat kasi kahit noong bata pa ako, nagtiwala ka na sa kakayahan ko. Salamat kasi ikaw yung kauna-unahang tao na nagsabi sa akin na madami akong kayang gawin. Kung wala ka, hindi ko alam kung ano ako ngayon. Salamat! Mahal kita at si Mandy!

12 Best Photos of 2012

2012 is a milestone for me. This year, I acquired my own camera (Voltz, a Canon 60D) and it let me explore the wonderful world of photography. I cannot say anything more about the photos, but yes,  I selected my 12 best shots for this year. Now, take a look at it. =)




12. Silhouettes and Fire (RAW)
Taken September 3, 2012 | PLM
I love this photograph because the sky is overly dramatic and the Gusaling Lacson is just so photogenic. Hahaha!

Sunday, August 21, 2011

Fast Post: Paano mo masasabing Kabataan pa rin ang Pag-asa ng bayan?

Kabataan ang pag-asa ng bayan. 
-Gat Jose Rizal


Mabigat? Oo. Mahirap? Hindi.

Bawat kabataan ay may responsibilidad sa lipunan, lalo na 'yung binigyan ng tamang talento, antas ng pamumuhay, tapang, at talino. Pero bakit parang walang alam ang kabataan?


Kasi walang daan para malaman nila ito.


Ito ang naging paniniwala ko. base na rin sa aking karanasan, hindi ko malalamang may mga lugar pala kung saan maaari mong i-practice ang iyong kakayanan upang makibahagi, maglingkod, at makialam sa lipunan. Saan? World Vision.


Setyembre 2009 nang ako ay magsimula sa World Vision, kasagsagan ng bagyong Ondoy nang maisipan ng aming klase na makibahagi. Masaya ako. Masaya sila. Higit sa saya, alam kong fulfilled kaming lahat. Lalo na ako-- kaya tinuloy ko na hanggang sa ngayon.

2010. Ginanap ang 12-hour Famine. Isa itong programa ng world Vision kung saan labindalawang oras kang hindi kakain para sa kabataan. Marami ang nakilahok, halos lahat ay kabataan. Hindi ako nakapunta sapagkat mayroon kaming exams noong panahon na iyon, ngunit ang sabi ko sa aking sarili: Umaalab na ang matinding pagnanasa ng kabataan sa pagbabago. 


2011. Simula noong Pebrero, nagkaroon ng orientation para sa gaganaping 12 hour Famine para sa taong ito. Mapalad ako sapagkat isa ako sa pitong taong unang na-orient tungkol sa magiging event. Masasabi kong nag-enjoy ako, at natuto.

Nakaka-limang batches na ang Famine Oreintations ngayon. Nailabas na ang bagong logo ng WV Famine. Marami pang susunod. Ayoko lang sabihin sa inyo kung gaano kasaya, kasi kailangan kayo mismo ang makaranas. 


O siya, punta kayo, sa Famine. Masaya.