Hunyo 6. Simula na naman ng laban sa Pamantasan. Simula na naman ng akademikong kanibalismo sa pagitan ng mga estudyante sa ikalawang taon ng Pakikipagtalastasang Pangmadla. Nakita ang mga bagong blockmates, ang mga natira. Isang semestre na naman ng bagong pagkakaibigan, pressure, at higit sa lahat, LUNGKOT.
Hunyo 8. Big Day para sa akin. Ito ang simula ng kampanya ng aking pinakamamahal na organisasyon para sa edukasyon. Ang World Vision ay nagkaroon ng isang event na tinatawag na "Count Me In! 11K for 2011" kung saan pinaplano na makahanap ng mga child sponsors para makapag-send ng 11 thousand na kabataan sa eskwelahan. Sa halagang P600 kada buwan, you are helping the less-fortunate children to secure the future they want to have.
Kinagabihan sa event, na-assign kami ng aking mga Famine Batchmates sa backstage upang i-assist ang mga celebrities sa mini-concert. Kung inaakala ninyong ganun kadali ay hindi. Labis na pressure ang aking naramdaman sa event na ito. Though totoo na privilege naman talaga na nasa loob ka at nagkakaroon ng photo opportunities (gaya ng makikita ninyo sa ibaba), hindi pa rin mawawala ang kaba dahil kailangang tama ang lahat ng iyong kilos. We could make or break the event kung di kami susunod sa mga instructions.
On the other side, nakita namin ang kabaitan ng mga celebrities. Masarap silang kausap at game sila sa chikahan. Ang pinakatumatak sa akin ay si Ms. Nikki Gil. Mga sampung minuto rin kaming nag-usap tungkol sa kung anu-ano. Nakarating sa kung saan-saan at nagkaroon ng pagkakataong makilala ang ilan sa mga sides ng aming buhay-- mula sa beauty secrets niya hanggang sa kung ano ang plano ko sa buhay. Normal naman din pala sila.
Kasama sina (mula sa kaliwa) Bb. Arriane Amedo, G. Julius Babao at Gng. Tintin Bersola-Babao |
Kasama si Chris Tiu |
Kasama si Christalle Belo |
Kasama si Nikki Gil |
Kasama sina Krissy at Erika |
Hunyo 9. Bisperas ng kaarawan ng isa sa aking pinakamatalik na kaibigan, nagplano kaming mga magaganda na sorpresahin siya: Nagpagawa ng tarpaulin, ng wishing board, may 18 cupcakes at message in a bottle. Pero di siya pumasok. Nakakalungkot ngunit ayos lang. In the first place, surprise yun eh.
Hunyo 11. Mahirap pagsabayin ang dalawang selebrasyon sa iisang araw, lalo na kung pareho mong bestfriend ang magse-celebrate. Ikinasal na kahapon ang aking pinakamatalik na kaibigang si Camille P. De Jesus- De Guzman. Nakita ko kung paano kumislap ang kanyang mga mata sa tuwa. Maganda ang kinalabasan ng lahat ng plano. Naging masaya ang event na magkasama naming pinagplanuhan. Gayunpaman, kailangan kong umalis ng mas maaga upang makadalo sa selebrasyon ng kaarawan ni Kathrina.
Alas Singko yata ang usapan ngunit nakarating kami nina Maffi at Gilda ng alas-nuwebe. Nahiya ako para sa aking sarili sapagkat hinihintay pala kami ng kanyang pamilya sa Shakey's sa may Mall of Asia, ngunit dahil late nga kami ay in-expect an di kami makakarating. Pina-take-out na tuloy ang mga pagkain at pinapunta na sa hotel ang mga pinsan. Ngunit salamat at nakahabol kami. Kasama ng kanyang mga pinsan at mga karelasyon ng mga ito, nag-inuman kami. Ilang shots lang ang akin hindi dahil sa lasing na ako kundi dahil iniisip ko ang aking kalagayan sa susunod na araw. Nito ko lang nakitang umiyak ng labis ang aking anak na si Kath. Siguro mahirap lang talagang iwanan ka ng tao dahil sa dahilang 'selfish' ka daw. Hindi ako naniniwala sa kaputahang dahilan ni Izzy hindi dahil kaibigan ko si Kath kundi dahil saksi ako sa pagmamahal na ibinigay ng aking anak kay Izzy. Wag na lang nating pag-usapan. Umiinit ang ulo ko.
Ang tarpaulin na ginawa ko para sa aking bestfriend at anak na si Kath. :) |
Wedding day ng aking bestfriend at ng kanyang Eggpie. |
Kinaumagahan, nag-swimming kami at nag-enjoy. Hanggang sa tuluyan nang umuwi. Sumakay ako ng bus sa EDSA at nyeta, P60 ang pamasahe? Anong merooooon? Wala naman akong palag at pagod ako, kaya okay na din.
At eto, nagba-blog ako ngayon.
Ganito yata talaga dapat ang blog, pero di rin ako sanay. LOL. Eh bakit ganito ang blog ko? Anong Meron?
Abangan.
No comments:
Post a Comment