Thursday, July 21, 2011

Cinemalaya: Ligo na U, Lapit na Me

 Closure. 

Ang Ligo na U, Lapit na Me, sa panulat ni G. Eros Atalia ay isang indie film (na actually ay galing sa aklat) na tumatalakay sa pagiging vocal ng isang tao sa kung ano ang kanyang mga nararamdaman at ang kahalagahan ng closure sa isang relasyon. Pero paano kung wala naman talagang relasyon? Eh bakit ba naghahanap ng closure? Maraming tanong, pero basta, iyan ang pokus ng Ligo.




Mas nauna kong panoorin ang pelikula sa Cinemalaya (noong nakaraang Sabado) kaysa bilhin ang libro. Natuwa at nakarelate ako (hindi sa sex o sa kung anuman, sa istorya ng closure at paghihintay) kaya tinagkilik ko ito pareho. Hindi nagkakalayo ang istorya sa aklat sa istorya sa telon. 'Yung iba kasi, mine-make up ng sobra-sobra yung istorya sa pelikula, hindi na lang pinapahaba, pine-facelift talaga, tipong di mo malalaman na based talaga siya sa libro.

Sa pelikula, pinaramdam sa mga manonood ang  tamis ng mga 'una', ang ligaya ng mamasa-masang pagnanasa, ang pakla ng pilit na pagkalimot at pait ng paghihintay. Si Intoy, sa kauna-unahang pagkakataon ay natuto nang umibig, pero hindi niya sigurado kung minamahal din ba siya ni Jen, o kinakailangan lang. Masasabing silang dalawa ay friends with benefits, pero mas gusto ko silang tawaging fuck buddies. Sa tingin ko kasi, hanggang kama lang talaga sila.

Maraming narrations ang pelikula, pero hindi nakakaboring dahil maganda ang pagkaka-deliver at paggamit ng salita. Balbal man, siguradong makakarelate ang kahit sino lalo na ang luntian ang pag-iisip. Sobrang daming mga quotable quotes sa pelikula kaya't di ka mauubusan ng mga banat pagkalabas.

Personally, umiyak talaga ako sa bandang dulong part ng pelikula. Nakakaiyak naman din kasi talaga. Ewan ko, pero bakit nga ba tayo hanap ng hanap ng closure? May closure ba talaga? Kung meron, anu-anong mga bagay na ang nagkaroon ng closure? Sa kaso ko, paano magkakaroon ng closure ang mga bagay na ni hindi pa nga nasisismulan? Bakit ba kasi kailangang magtapos ng mga bagay?

Nadala ako sa istorya. Natawa ako sa mga bagay na nakakatawa pero naiyak ako sa mga bagay na tinatawanan ng iba. Ewan ko. Kailangan at hinihingi ko rin kasi talaga ang closure.

Dahil sa galing nina Edgar Allan Guzman at Mercedes Cabral, pumalo sa takilya ang pelikula. Salamat kay Eros Atalia na may napakatabang utak para gawin ang istoryang ito.

Closure.
Wala namang dapat i-disclose. Paker.

No comments:

Post a Comment