Kabataan ang pag-asa ng bayan.
-Gat Jose Rizal
Mabigat? Oo. Mahirap? Hindi.
Bawat kabataan ay may responsibilidad sa lipunan, lalo na 'yung binigyan ng tamang talento, antas ng pamumuhay, tapang, at talino. Pero bakit parang walang alam ang kabataan?
Kasi walang daan para malaman nila ito.
Ito ang naging paniniwala ko. base na rin sa aking karanasan, hindi ko malalamang may mga lugar pala kung saan maaari mong i-practice ang iyong kakayanan upang makibahagi, maglingkod, at makialam sa lipunan. Saan? World Vision.
Setyembre 2009 nang ako ay magsimula sa World Vision, kasagsagan ng bagyong Ondoy nang maisipan ng aming klase na makibahagi. Masaya ako. Masaya sila. Higit sa saya, alam kong fulfilled kaming lahat. Lalo na ako-- kaya tinuloy ko na hanggang sa ngayon.
2010. Ginanap ang 12-hour Famine. Isa itong programa ng world Vision kung saan labindalawang oras kang hindi kakain para sa kabataan. Marami ang nakilahok, halos lahat ay kabataan. Hindi ako nakapunta sapagkat mayroon kaming exams noong panahon na iyon, ngunit ang sabi ko sa aking sarili: Umaalab na ang matinding pagnanasa ng kabataan sa pagbabago.
2011. Simula noong Pebrero, nagkaroon ng orientation para sa gaganaping 12 hour Famine para sa taong ito. Mapalad ako sapagkat isa ako sa pitong taong unang na-orient tungkol sa magiging event. Masasabi kong nag-enjoy ako, at natuto.
Nakaka-limang batches na ang Famine Oreintations ngayon. Nailabas na ang bagong logo ng WV Famine. Marami pang susunod. Ayoko lang sabihin sa inyo kung gaano kasaya, kasi kailangan kayo mismo ang makaranas.
O siya, punta kayo, sa Famine. Masaya.
No comments:
Post a Comment