Sobrang saya kasi, this year, naging parte ako ng shoot ni sir Elvert for Pintig. Best memory yun kasi, first time mag-shoot ni sir sa PLM and it was such a big privilege to be a part of it. Sobrang nakakainspire si sir. and sobrang overwhelming yung tiwala niya sa akin kaya nga ginawa ko din lahat para maibigay sa kanya pabalik yung tiwala na yun.
Officially, Sandinawa. Highlight of the year. Hello PR Majors Family. Ang laki ng back story kung bakit ako nag-exam, kung bakit ko ginusto itong path na ito, kung bakit kahit na mahiwalay ako sa best friends ko eh, nag-go ako.
Minahal ko ang craft ng public relations. It made me realize that I can be creative. It challenged me. And that challenge became the stepping stone para mag-exam at pagdaanan ko lahat ng qualifying tests. It was a very unsure road for me, and until now it still is. Pero hindi siya unsure dahil hindi ko gusto yung ginagawa ko. Maraming factors kung bakit tayo nagdedesisyon and there are just some consequences we have to bear with each decision we make.
Masaya ba ako sa Sandinawa? Hindi.
Kasi sobrang saya ko. Nakahanap ako ng pamilya. Nakakita ako ng bagong kaibigan. Ang daming posibilidad sa batch na to. Ang daming nagsasabing hindi kami solid. Totoo naman yun, pero lahat ng relasyon hindi perpekto. Ang importnate marunong kayong umintindi at magbigay. Yun lang naman ang mahalaga. May pag-aaway minsan, pero dala yun ng di-pagkakaintindihan. Ang importante, sa isang bubong pa rin kami umuuwi.
Mahal ko ba sila?
Oo. Sobra-sobra.
Hindi ko alam kung bakit sinama ko ito, pero kasi, hahaha! Ang cute ko talaga dito! This is a self portrait kaya nakakatuwa. Ito din yung ginamit kong 2x2 picture sa AYLC lol kaya siguro di ako nakapasok!
This is what I am talking about. Itong si Barbie na puno ng symbolism, ay naging poster ng PLM Team sa Radyo Veritas Campus Hour. Bihirang mangyari yan kaya sobrang proud ako. Sobra rin ang pasasalamat ko kay sir Elvert kasi nga sobra rin naman ang tiwala niya sa batch namin. Mahal ka namin ng severe sir!
Justine's birthday celebration. First time ko ulit makita ang mga high school friends ko. Mahalaga ito sa akin kasi na-relaize kong hindi pa rin ako dapat kumalimot. Oo, masaya ang college life ko, in fact mas nae-enjoy ko ito, pero walang kolehiyo kung walang high school. Na-miss ko rin pala sila, lalo na ang best friend ko na si Grace. More get-together next year, please.
Mom and dad. You guys have no idea kung gaano na kami ka-okay ng parents ko ngayon. Before, walang pansinan talaga. Oo mahal namin ang isat-isa pero hindi mahalaga kung nag-uusap ba kami o hindi. Salamat kasi this 2012, super close na ako sa family ko. In fact medyo nagiging family-oriented na nga ako. Haha. I love you mom and dad!
BFF. Bespren sa lahat ng mga bespren. this coffee date was very memorable for me kasi sobrang bihira naming nagkikita kahit medyo magkalapit lang ang bahay namin. Busy na kasi si BFF sa work+Barangay (kagawad kasi siya). Pero at least we find time for each other. Ayoko masyado muna magkwento kasi may next post pa ako after this. HAHAHA.
Same date ito. Alam ko. In the afternoon, Axcel and I had a date. Oo, nagde-date kami. We talk about stuff, at nagbibigay siya ng advice. In the evening, nakilala niya na din si Ate Mae. Hindi ko makakalimutan tong moment na to, kasi silang dalawa ang naging angels ko on deciding about two major decisions of my life: quitting the publication and majoring in PR. Kaya kung ano man yung naging desisyon ko, parte sila nun at masaya akong sinunod ko sila.
Haircut. HAHAHA. Bakit siya best moment? It made me go out of my comfort zone. Nasubukan kong mag-try ng bago. Dapat pala laging ganito. We should always try something new para maexperience natin ang mga baga-bagay na akala natin hindi tayo mapapasaya. =)
DIZIZIT. Sobrang halaga sa akin ng moment na to. Nakita ko si Jensen Gomez na super idol ko dahil sa galing niyang magsulat at umawit. Kakaiba ang drama ng kanta niya kaya naman unang rinig pa lang, alam ko nang magugustuhan ko ang kanyang musika. Hindi ako nagkamali. Kahit ulit-ulitin ko pa, hindi napapagod ang aking tenga sa pakikinig ng musikang nananampal, lumuluhod at umiiyak. Masaya ako na nakita at nakilala kita, tropa! PS Launch na ng Umpisa Album niya sa Feb 1, 2013 kaya pumunta kayo ha! Deets to be posted soon.
Perfect Ending. Literal. Walong taon akong naghintay at nagdasal na sana, makita ka, Megan, at ito na nga, nakasama na kita sa isang araw na puro tuwa, ligaya at yakapan hahaha! Salamat kasi mahal mo kami. Reciprocated yun wag kang mag-alala! Mahal na mahal ka rin namin! Salamat kasi naging parte ka na ng buhay ko. Mahal kita!
Sobrang experimental ng taon na to. Pero sabi nga, sa bawat eksperimento, hindi mo alam kung ang resulta ba e positibo. May mga mali, pero bakit naman natin bibilangin yun? Lahat naman tayo meron nun. Dapat bilangin natin yung mga panahong nakangiti, nakatawa o umiyak tayo sa sobrang saya kasi iyon yung mas mahalaga.
Ngayon ko lang nabasa to, bff! So touched to be part of this list. I love your pic from Ilocos, btw. Magandang cover ng magazine or photobook! :) Coffee tayo sa Sunday!
ReplyDelete