Maraming taong dumating sa taong ito: Ang iba ay literal na dumaan, ang iba ay tumambay, ngunit marami ang nagtagal. Maraming sumalo sa eksperimento. Marami rin ang nagpasalo. Kaya't ngayon ay pasasalamatan ko ang ilang mga tao na labis ang naiambag sa paglago ko para sa taong ito.
Part, ano pa bang masasabi ko? Sobrang nakakataba ng puso kasi 2007 pa lang nandyan ka na para sa akin. Never kong makakalimutan ang unang team-up natin as hosts ng opening ng Linggo ng Wika. Madaming natuwa sa atin nun, kahit ang principal kasi meron tayong inborn wits and talent. Kaya nating mag-drive ng daan-daang estudyante. Kaya nating magpatawa kasi iyon yung forte natin. Pero more than that, part, salamat kasi hindi ka umalis sa buhay ko. Ang dami nating pinagdaanan, pero ang tatag pa rin ng samahan natin. Salamat kasi iniintindi mo ko kapag may problema ako, saka isang text lang sa'yo, go na agad. Mahal kita part!
Familia Argentina! Salamat kasi binigyan niyo ng kulay ang college life ko. Kahit na adopted lang ako ng pamilya niyo, tinanggap niyo ako ng buo. Di kayo nagdalawang-isip sa akin. Mahal na mahal ko kayo. Alam niyo yan. Salamat kasi kahit na nagkahiwalay na tayo, meron pa rin tayong oras para sa isa't-isa.
Llaneses! Kayo po ang itinuturing ko na pangalawang pamilya. thank you Tita Necy, Tito Tony, Ate Eunice, Kuya Hez at Ziney sa pagtanggap sa akin! Salamat po kasi nakilala ko kayong lahat! Mahal ko po ang pamilya niyo! Thank you din ng sobra sa'yo, Onycha, para sa friendship. Sorry kung nagkaroon ng panahon na nainis ako sa'yo, pero alam kong naintindihan mo naman yun. Ang gusto ko lang, magkasama tayo forever kasi iyon naman din ang pinlano natin bago tayo mag-major! Salamat kasi naging official overnight hub ang bahay niyo para sa mga projects, assignments, celebrations, at marami pang iba. Saludo ako sa pamilya niyo!
Ma'am Cristy! Sobrang salamat po! Ikaw lang ang best friend kong teacher kasi ikaw ang nakakainindi sa akin. Ikaw yung laging nandyan. Salamat kasi hindi natapos nung 3rd year high school ang connection natin! Salamat kasi kahit na ang layo ng age gap, nagkakainindihan tayo sa mga usapan, biruan at marami pang iba. Ang dami nating plano, sana matuloy next year hahaha! Salamat talaga madam kasi kung wala ka, wala akong release! I love you!
Sir Elvert! Paulit-ulit at nakakairita man, pero sobrang salamat po! Ang dami kong dapat ipagpasalamat sa'yo sir! Una, salamat sa lahat ng naiambag mo sa kaalaman namin. Salamat po kasi through experiences, natuto kami, Sir, kung wala ka, never kaming mananalo sa mga competitions, never na mapapublish ang photograph sa isang major newspaper kasi never kaming magta-try! Salamat po kasi ipinakita niyo sa amin kung hanggang saan yung kakayanan namin: at yun ay limitless. Salamat po kasi tinuro niyo sa amin ang pagpapahalaga sa mga bagay na nakapaligid sa amin. Dahil po sa inyo, mas naging liberal, rational at balanse kaming mag-isip at kumilos. You redefined and refined us and that, we owe from you. Salamat sa pagmamahal sir!
Ate Mae! Thank you ng sobra-sobra sa lahat ng pinagsamahan natin this 2012! Salamat kasi hindi ka nagdadalawang-isip na bigyan ako ng mga payo at words of wisdom kapag kailangan ko! Sa bawat desisyon ko sa buhay ko, lalo na yung malalaki, salamat kasi andyan ka para tulungan akong magtimbang ng base sa rason. Thank you kasi pinatuloy mo ako sa bahay niyo sa Ilocos! Sobra-sobrang pasasalamat kasi nagtitiwala ka sa akin! I love you ate Mae!
Partner, Ate, Dude. Salamat ng sobra sayo! Thank you kasi hindin ka lang basta Simulangan counterpart sa Balikayan. Isa kang tunay na kaibigan! Salamat kasi naging isa ka sa inspirasyon ko sa pagpasok ko sa PR Majors. Thank you partner for all the good talk, good read, and good laugh we shared together! I promise to have more of that before you leave! I am so happy and honored to be your partner, sa totoo lang. Thank you!
Sandinawa Family! Mahal ko kayo! Salamat kasi naging parte ako ng magulo niyong mundo! Hahaha! Salamat kasi kahit na magkakaiba tayo ng pananaw, persepsyon at tingin sa buhay, nagko-complement tayo. Bawat araw, ang dami kong natututunan sa inyo. Salamat kasi kahit alam nating hindi tayo buo, marunong tayong mag-adjust para sa isa't-isa. Mabuti na yun, kaysa buo tayo na merong naiiwan. Para sa akin, hindi perpekto ang batch, pero hangga't nagkakaintindihan, ayos yun. Mahal na mahal ko kayo! Gagawin ko lahat para mapasaya kayo!
World Vision Family! Kate, Kaithlyn, Yani, Chien, Donna at Ate Jhet, salamat sa inyo! Salamat kasi nagkaroon ako ng kaibigan/ate/ka-chikahan dahil sa inyo! Thank you kasi nandyan kayo for me! Thank you din sa pagtitiwala ninyo sa kakayahan ko para tumulong sa ibang tao. Namimiss ko na kayo!
Ate Jhet, mahal na mahal kita. Salamat sa pagsurpresa sa akin noong concert ng Lifehouse. Alam mo, never kong makakalimutan yun. Never kong makakalimutan na ang first real concert experience ko ay nanggaling sa ate ko. Salamat talaga sayo!
Kaith, Kate, Yani,Chien! Ganyan kayo eh! You left me huhu! Lahat kayo nasa abroad na, di niyo man lang ako sinama! Hahaha kidding! this goes to show that no distance will ever take away our friendship. Mahal ko kayo!
Donna, alam mo naman, tayo na lang halos ang naiwan hahaha! Salamat kasi sumusuporta ka sa personal causes ko! Sa March ulit ha!
Axcel! Alam mo naman na gusto kong sabihin. thank you kasi nandyan ka lagi para sa akin. Salamat kasi naging parte ka ng buhay ko. Sa I love you mo na lang ako kinikilig alamoyan! Thank you! Please wag kang umalis sa buhay ko because I can't afford to lose a best friend like you!
Baka naman makalimutan? Eh kayo ang dahilan kung bakit hanggang ngayon may drive pa rin akong mag-aral at pumasok! Hahaha! Mahal na mahal ko kayo! Gagawin ko lahat mapasaya lang kayo! Kayo yung mga tunay kong kaibigan! Salamat kasi kayo yung unang tumanggap sa akin. Thank you kasi hindi nawawala yung spark ng friendship natin, hanggang ngayon buo pa din. Swerte ko sa inyo! Tandaan niyo, kapag kailangan niyo ng masasandalan, text lang! Alam niyong kaya kong mag-skip o di pumasok ng class, magsinungaling makasama lang kayo!
No comments:
Post a Comment